Pagpapauwi sa 73 Pilipino na naaresto sa Laos dahil sa cyber scam, inaayos na ng DMW

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaasikaso na ng Department of Migrant Workers (DMW) ang pagpapauwi sa 73 Pilipino na kabilang sa halos 800 naaresto sa Laos dahil sa pagkakasangkot sa cyber scam.

Ayon kay Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac, inaayos na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang repatriation para sa 73 Pilipino.

Tiniyak naman ni Cacdac, na handang magbigay ng tulong sa mga apektadong Pilipino pagdating nila sa Pilipinas.

Samantala, pinaalalahanan naman ng kalihim ang lahat ng mga Pilipino na naghahanap ng trabaho sa ibang bansa na tiyaking mayroon silang work visa at kontratang sinuri ng DMW, at nakikipag-ugnayan sila sa lisensyadong recruitment agency.

Matatandaang sinalakay ng mga awtoridad ang nasabing scam hub bilang bahagi ng crackdown para sugpuin ang transnational crimes. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us