Pagpirma sa batas na magtatatag ng dagdag na Shari’ah courts sa bansa, kinagalak ni Sen. Robin Padilla

Facebook
Twitter
LinkedIn

Itinuturing ni Senador Robin Padilla na isang araw ng tagumpay ang ganap na pagsasabatas ng Republic Act 12018 o ang batas na nagtatatag ng tatlong bagong Shari’ah Judicial Districts at 12 Circuit Courts sa bansa.

Ayon kay Padilla, malaking tulong ang batas na ito para sa kapatid nating Muslim lalo na sa usapin ng pagkamit ng hustisya.

Nagpasalamat ang senador kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa pagpirma sa naturang batas gayundin kay Senate Committee on Justice Chairperson Senador Francis Tolentino na siyang tumayong sponsor ng panukalang ito sa Mataas na Kapulungan.

Kasabay nito ay umaasa si Padilla na mareresolba na rin ng Korte Suprema sa lalong madaling panahon ang isyu tungkol sa kwalipikasyon ng Shari’ah judges, sa gitna ng mga bakanteng pwesto sa mga Shari’ah courts sa buong Pilipinas.

Una nang inihain ni Padilla ang Resolution of Both House no. 10 para matugunan ang kakulangan ng access ng mga Muslim sa Shari’ah Judges at courts lalo na sa labas ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM)

Minumungkahi ng RBH 10 na amyendahan ang probisyon upang hindi na kinakailangan ang membership to the Philippine Bar para sa mga Shari’ah judges. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us