Pinangunahan ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang ika-25 pagpupulong ng Multisectoral Governance Council (MSGC) sa AFP Headquarters sa Camp Aguinaldo kahapon.
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Xerxes Trinidad, bahagi ito ng pagpapalakas ng pamamahala, transparency, at accountability sa hanay ng Sandatahang Lakas.
Ang MSGC ay nagsisilbing tagapayo sa AFP, at gabay sa implementasyon ng AFP transformation road map.
Sa pagpupulong, nirebisa ng mga kalahok ang progreso ng mga inisyatiba at tinalakay ang mga stratehiya para mapahusay ang governance at organizational performance ng AFP.
Binigyang-diin ni Gen. Brawner ang kahalagahan ng patuloy na kolaborasyon ng AFP sa MSGC para makamit ang bisyon na maging isang “world-class armed force” na ikinararangal ng bansa. | ulat ni Leo Sarne
📸: PFC Carmelotes/PAOAFP