Binigyan diin ni Committee on Appropriation Senior Vice Chair at Marikina Rep. Stella Luz Quimbo ang mahalagang papel ng Commission on Audit (COA) sa pagsusulong ng transparency at accountability sa gobyerno.
Ito ang inihayag ni Quimbo sa budget deliberation ng COA sa House Appropriation Committee.
Ayon kay Quimbo, ang COA ang may responsibilidad na tiyakin na ang bawat pisong ginugol ng gobyerno ay nagagamit nang tama at para sa kapakanan ng mamamayan.
Bilang pangunahing ahensya na nag-o-audit ng pampublikong pondo, tungkulin ng COA na tiyaking ang bawat proyekto at programa ng gobyerno ay naayon sa layunin nito upang siguruhing walang nasasayang na pondo.
Pinuri rin ni Quimbo ang mga hakbang na ipinatutupad ng COA sa masusing pag-audit lalo na sa mga kritikal na sektor tulad ng imprastruktura, kalusugan at edukasyon.
Hinimok ng lady solon ang komisyon na ipagpatuloy at pagbutihin ang kanilang proseso upang
masiguro na ang kanilang mga gawain ay patas at walang kinikilingan.
Muling pinaalala ni Quimbo ang kahalagahan ng mga hakbang ng COA sa pagpapanatili ng tiwala ng publiko at pagtiyak na ang bawat sentimo ng pondo ng bayan at ginagamit nang may integridad at tamang pamamahala. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes