Pagtatago ng impormasyong nakalabas na ng bansa sina Alice Guo, bubusisiin ng Senado

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nais malaman ni Senador Sherwin Gatchalian kung bakit tila itinago sa kanilang mga senador maging kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at sa publiko ang impormasyon na nakaalis na ng Pilipinas sina Alice Guo.

Pinunto ni Gatchalian, na kung hindi pa nagsalita si Senate Committee on Women Chairperson Senator Risa Hontiveros sa plenaryo ng Senado ay hindi pa malalaman ng mga senador maging ng publiko na wala na sa bansa sina Guo.

Klaro para sa senador na halos isang buwan na itong alam ng Bureau of Immigration (BI) pero tinago nila sa Senado, kahit pa alam nilang may warrant of arrest ang Mataas na Kapulungan kay Alice Guo, sa mga kapatid nito at sa magulang nito.

Kahit man lang aniya sana sa isang executive session ay ipinaalam sana ito sa kanila.

Uusisain rin ni Gatchalian kung paanong ginagamit ng law enforcement agencies ang kanilang intelligence fund, dahil kahit pa bilyong piso ang inilalaan dito ay nalulusutan pa rin sila ng isang Alice Guo.

Sa Martes, magkakaroon ng pagdinig ang Senado tungkol sa paglabas ng Pilipinas nina Guo at dito ay bibigyan ng mga senador ng pagkakataon na makapagpaliwanag ang BI at iba pang law enforcement agencies ng bansa tungkol sa nangyari. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us