Inihain ni KABAYAN party-list Rep. Ron Salo ang House Bill 10821 o OFWs Registry Act.
Sa ilalim ng panukala, ipapaskil sa naturang registry system ang lahat ng lehitimong job orders. Sa paraang ito, maiiwasan na mabiktima ng illegal recruitment ang mga migrant workers.
Anoman trabaho na hindi nakapaskil sa naturang registry ay otomatikong ituturing bilang illegal recruitment.
“By requiring recruitment agencies to post all valid job orders in the OFW Registry, we are providing our workers with a reliable source of information, reducing the risks of exploitation, and ensuring that they are making informed decisions about their employment abroad,” sabi ni Salo
Kasabay nito, makikita rin ng mga recruitment agency ang mga OFW na handa na para sa deployment.
Paliwanag ng mambabatas hindi na kailangan pa humanap ng mga recruitment agency ng mga nais mangibang bansa para magtrabaho mula sa mga malalayong lugar.
Sa halip maaari silang pumili na lang sa mga OFW na nakarehistro sa registry system at dumaan na sa assessment.
“The days of deploying unprepared OFWs are over. This bill ensures that our recruitment agencies can focus on individuals who have been properly vetted and prepared, thereby reducing the risk of employment-related issues abroad,” diin ni Rep. Salo.
Naniniwala ang party-list solon na kailangan ng komprehensibong tugon sa iba’t ibang hamon sa overseas employmen gayundin ang commitment na protektahan ang kapakanan at interes ng ating migrant workers.
“We need to empower our OFWs and provide them with the best possible preparation and protection as they pursue opportunities abroad. This bill is a testament to our dedication to their welfare and our commitment to ending illegal recruitment once and for all,” pagtatapos ni Salo. | ulat ni Kathleen Forbes