Pinuri ngayon ni House Committee on Welfare of Children Chair Angelica Natasha Co ang atas ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na bumuo ng Presidential Office on Child Protection.
Ayon kay Co, makatutulong ito upang epektibong mahuli at makasuhan ang mga sangkot sa Online Sexual Abuse or Exploitation of Children (OSAEC).
Ipinapakita rin aniya nito ang maigting na suporta ng ating Pangulo sa panukalang Magna Carta of Children at Online Sexual Abuse and Exploitation of Children Law na kapwa isinusulong ng Kamara.
Salig sa Executive No 67, ang naturang tanggapan ang magbibigay proteksyon sa mga kabataan laban sa tumataas na kaso ng online child sexual abuse at exploitation cases. | ulat ni Kathleen Jean Forbes