Inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Department of Agriculture (DA) na paramihin at gawing mas accesible ang soil testing centers sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Mahalaga ang mga testing centers na ito, upang masuri ang lupang sakahan, at matukoy ang eksaktong volume ng fertilzer na kailangan para dito.
Sa pulong sa Malacañang, partikular na ipinunto ng pangulo ang shortage ng Pilipinas sa soil testing centers.
Sabi ng pangulo, hindi mabibigayan ng pamahalaan ng angkop na payo ang mga magsasaka, kung ang gobyerno mismo ay hindi alam ang ispesipikong kondisyon ng mga lupang sakahan.
“Kulang na kulang tayo sa soil analysis. We cannot tell the farmers how much fertilizers to use. We cannot give them any advice because we don’t know ourselves what the condition of the soil is,” -Pangulong Marcos.
Sabi ng pangulo, dapat ay mayroon kahit isang testing center ang bawat rehiyon sa bansa.
Kaugnay nito, una na ring inirekomenda ng DA ang pagsasagawa ng soil mapping at agri liming, simla sa Luzon, upang mapalawak ang sugar industry ng bansa.
“That (soil mapping) actually applies to all crops,” -Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan