Walang natalang epekto sa Davao Region matapos yumanig ang 6.5 magnitude na lindol na naka-sentro sa karagatan ng Surigao del Sur.
Sa mensahe ni Office of the Civil Defense 11 (OCD 11) Operations Chief Franz Irag sa Radyo Pilipinas Davao, wala pa silang natatanggap na mga reports mula sa mga local disaster risk reduction and management offices hinggil sa anumang epekto sa mga lokalidad sa rehiyon.
Gayunpaman, patuloy pa rin nilang minomonitor ang sitwasyon at hinihintay ang pagpasok ng report ng mga Local Disaster Risk Reduction and Management Office (LDRRMOs) sa rehiyon.
Pasado alas-6:00 kaninang umaga nang yanigin ang ilang lugar sa Davao Region matapos tumama ang lindol sa Surigao del Sur. | ulat ni Armando Fenequito | RP1 Davao