Inabot ng halos dalawang oras na delay ang PAL Flight 2988 na biyaheng Tacloban-Manila, dahil sa bomb joke.
Ayon kay Police Col. Marjon Valdehuesa, PNP AVSEGROUP ng Region 8, nasa loob na ng eroplano ang 80-year old na babaeng pasahero nang magbiro tungkol sa posibleng pagsabog.
Dahil dito agad pina-hold ang pagsakay ng iba pang pasahero.
Agad ding pinababa ang mga pasahero na nauna nang nakasakay kasama ang 71 kongresista na dumalo sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair.
Agad naman isinailalim sa security check ang eroplano, mga check in baggage, at pinaikutan sa K9 ang gamit ng mga pasahero na hindi pa nakasakay.
Ang ginawa ng matanda ay paglabag sa Presidential Decree No. 1727.
Gayunman, dahil sa edad nito maaaring hindi kabigatan ang parusang ipataw sa kaniya. | ulat ni Kathleen Jean Forbes