Pamahalaan, naglaan ng mas maliit na alokasyon sa unprogram appropriations sa 2025 kumpara ngayong 2024

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasa 2.5 percent ng P6.352 trillion ang unprogrammed appropriation sa ilalim ng 2025 National Expenditure Program (NEP) ng Pilipinas.

Katumbas ito ng P158.6 billion.

Mas mababa ito ng 78.31% o P572 billion, mula sa kasalukuyang P731 billion sa ilalim ng 2024 national budget.

Sa press briefing sa Malacañang, ipinaliwanag ni Budget Secretary Amenah Pangandaman, na sinubukan kasi nilang ipasok sa program level ang lahat ng programa at proyekto ng iba’t ibang tanggapan ng gobyerno.

Iyong mga foreign assisted project na hindi pa naaaprubahan ng ICC at NEDA Board, ang ipinailalim nila sa unprogrammed appropriation.

“When we release the budget circular po, may deadline po kami doon na by March 31 kung ano lang iyong mga na-approve ng NEDA Board – iyon lang po iyong ipapasok namin sa programa and all the rest ay ilalagay namin sa unprogrammed appropriations.” —Secretary Pangandaman

Naniniwala aniya sila na maaprubahan rin ang mga proyektong ito sa loob ng 2025, kaya’t kailangan na mayroon pa ring naka-stand by na pondo para dito.

“Ito po iyong mga foreign assisted na nakikita namin na maa-approve naman within the year, so kailangan din po natin lagyan ng standby fund for the GOP counterpart and the loan proceeds because we haven’t received the loan proceeds yet.” —Secretary Pangandaman. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us