Hindi titigil ang pamahalaan sa paggawa pa ng mga programa at proyekto na patuloy na mag-aangat sa buhay ng mga Pilipino.
Ito ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay kahit pa sa gitna ng kaliwa’t kanang magandang balita para sa ekonomiya ng bansa, ngayong 2024.
“Patuloy ang ating pagbibigay ng sapat at kalidad na trabaho. This June, the unemployment rate dropped to 3.1 percent, one of the lowest on record for the last two decades. Over 50.3 million Filipinos are now employed, with 63.8 percent of them in the formal sector. Lalong dumadami ang mga kababayan nating may disente at pormal na hanap buhay at naging bahagi ng middle class.” —Pangulong Marcos Jr.
Halimbawa dito, ayon sa Pangulo, ay ang 6.3% na economic growth para sa ikalawang quarter ng taon, mula sa kaparehong panahon noong 2023, pinakamataas sa ASEAN.
“Sa aking mahal na mga kababayan, nais kong ibahagi ang ibang magagandang balita. In the second quarter of the year, our economy grew by 6.3 percent compared to the previous year, one of the highest in Asean.” —Pangulong Marcos
Sabi ng Pangulo, bunsod ito ng mga pamunuhunan at konstruksyon sa ilalim ng Build Better More program.
“Bagama’t maganda ang datos na ito, wala itong kabuluhan kung hindi maramdaman ng ating mga kababayan.” —Pangulong Marcos
Kabilang rin ang pagbaba sa 15.5% ng poverty rate sa bansa, na ayon kay Pangulong Marcos ay nangangahulugan na naiangat ng pamahalaan ang two and a half million na mga Pilipino mula sa kahirapan.
“Inuulit ko, baliwala lahat ng ating ginagawa kung walang pagbabago sa buhay ng mga Pilipino. So, I assure you, this government will continue to invest in job-generating infrastructure, social protection programs, health and education for all Filipinos. We will not rest on our laurels but use them to propel us forward into social and economic.” —Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan