Nakalatag na ang Philippine Agri Roadmap, upang maabot ang food security sa Pilipinas.
Ang kailangan na lamang ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ay ang kooperasyon ng lahat ng sektor, para sa ganap na implementasyon nito.
“Maraming kailangang gawin, I have the budget for this year and the following year. May roadmap na tayo sa lahat ng gagawin. It’s so detailed, but we have a plan, we just have to implement it for the next four years or three and a half years… we aim to implement it and mararamdaman sana ito ng ating mga mamamayan by mid to late next year, iyong ating mga efforts.” —Swc Laurel.
Sa Malacañang Insider, sinabi ng kalihim na sa pamamagitan kasi ng multi-sectoral collaboration, magagawang makasabay ng agri sector ng bansa sa foreign counterparts nito.
“Basically, I need everybody’s cooperation. At of course kaunting pasensiya pa dahil iyong mga kailangang gawin ay hindi iyan overnight na kapag itinanim mo, bukas nandiyan na eh,” —Secretary Laurel.
Sabi ng kalihim, kailangan ng panahon at pasensya, habang ipinatutupad ang mga proyekto sa ilalim ng roadmap lalo’t hindi naman agad matatapos ang mga programang ito.
“Ang isang pinakamalaking kailangan nating mag-invest is in irrigation because 1.2 million hectares of flat land is not irrigated eh. So, less than 50 percent is irrigated and to increase production, we really need more irrigation,” —Sec Laurel.
Umaasa ito na agad ring mararamdaman ng mga Pilipino ang inisyal na benepisyo ng mga effort ng DA, sa kalagitnaan ng susunod na taon.
“Mayroon din tayong makinang investment sa mga driers at silos and rice mills para ma-increase iyong ating recovery na tinatawag. Sa ngayon, ang recovery natin using old systems or drying sa kalye at sa mga ibang lugar, 50 percent lang ng bigas ang nakukuha natin sa palay eh ‘no. Pero kung may mga drying systems tayo, puwedeng umakyat iyan up to 70 percent eh,” —Sec Laurel. | ulat ni Racquel Bayan