Makakaasa ang publiko na magpapatuloy at hihigitan pa ng pamahalaan ang mga ginagawang hakbang, upang maiangat ang kalidad ng buhay ng mga Pilipino.
Pahayag ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasunod ng pinakahuling resulta ng OCTA research survey, kung saan lumalabas na tumaas sa 71 percent ang trust ratings ng Pangulo para sa ikalawang quarter ng 2024, mula sa 69% noong first quarter.
Habang 68% rin ng mga Pilipino ang nagsabi na satisfied sila sa performance ng Pangulo, mula sa 65% noong unang quarter ng 2024.
Sabi ni Pangulong Marcos, nakikita na ng publiko ang ginagawa ng pamahalaan at nararamdaman na nila ang epekto ng mga ito.
Ang mga ganitong resulta ng pag-aaral at pigura aniya ay nagsisilbing inspirasyon sa pamahalaan, na ipagpatuloy at higitan pa mga kasalukuyan na nilang ginagawa para sa mga Pilipino.
“So it’s good have that kind of result or statistic behind you–and again, every time this happens as far as I’m concerned, it seems to be people are beginning to understand what we are trying to do, they’re beginning to feel the effects of it. So we must continue to do more and even try to do even better so that’s always an inspiration.” -Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan