Pangulong Marcos Jr., hinamon ang mga Pilipino na tapatan ang mga dati at kasalukuyang bayani ng bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinihikayat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga Pilipino na tapatan o higitan pa ang kabayanihan ng mga nagdaang bayani ng Pilipinas na lumaban para sa kalayaan ng bansa gayundin ang mga modern-day hero, na kinabibilangan ng mga atletang nagwagayway ng watawat ng Pilipinas, sa katatapos lamang na 2024 Paris Olympics.

Sa talumpati ng Pangulo sa Taguig City para sa selebrasyon ng National Heroes’ Day, sinabi ng Pangulo na ang katapangan at determinasyon ng mga bayani noon ang dahilan sa kalayaan na tinatamasa ng bansa sa kasalukuyan.

“Their bravery and determination paved the way to the freedom that all of us enjoy today, although it came at a high cost—their peace, their rights, [and] their lives. While these gallant men and women remind us that our liberty was hard-won, those who lie here at the Libingan ng mga Bayani remind us once again of the constant vigilance that is required to preserve it,” -Pangulong Marcos Jr.

Umaasa ang Pangulo na ang selebrasyon ngayong araw ay maging daan, hindi lamang upang alalahanin ang sakripisyo ng mga ito bagkus ay upang ipagpatuloy ang kanilang kabayanihan.

“Let our commemoration today teach us the importance of not only remembering our heroes but also of continuing to perpetuate their legacy of patriotism and of nobility. After all, heroism is not confined to just the history books. Heroism also lies in him and her who are virtuous, in those who are compassionate, in those who are just,” -Pangulong Marcos.

Pagbibigay diin ng Pangulo, ang kabayanihan naman ay hindi lamang limitado sa kung ano ang nababasa sa libro.

Ang katangian aniya ng pagiging isang Pilipino sa makabagong panahon, ay ang katapangan ng mga ito sa gitna ng mga hamon at pagsubok na kanilang hinaharap, mapa-usapin man sa geopolitical conflict, sakit, o climate change.

“We see it in the navy and coast guards who defend our maritime borders; in the soldiers who protect our citizens; and in the healthcare workers who put their lives at stake for others,” -Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us