Pangulong Marcos Jr., may ideya na kung sino ang mga posibleng tumulong kay Alice Guo na makalabas ng Pilipinas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mayroon nang ideya si Pangulong Ferdinand R. Maracos Jr. kaugnay sa mga posibleng tumulong kay Alice Guo na makalabas ng bansa, sa kabila ng mga reklamo at alegasyong mayroong kinalaman sa iligal na POGO operations sa bansa na ibinabato sa dismissed Bamban mayor.

Sa panayam sa Pangulo, sinabi nito na katatapos lamang niyang makausap si Justice Secretary Jesus Remulla, at malapit na aniya silang matapos sa malalim na pagsisiyasat na ginagawa ng Department of Justice (DOJ), upang matukoy kung sino ang mga indibidwal na mananagot.

Magiging mabilis aniya ang aksyon ng pamahalaan, laban sa mga ito.

“Oh yes, definitely. So DOJ was just with the secretary earlier today. He’s almost finished with a very thorough investigation, we will identify all of those who have, all of those who are involved in this, and we will act very quickly.” -Pangulong Marcos Jr.

Sabi ng Pangulo, inaalam na lamang kung ilan ang involve at gaano kalalim ang sabwatan sa kasong ito.

“Well let’s not… That’s the last part of this, how far, how deep does this go. Isa lang ba ang tao na involved, o marami sila, o sindikato ito, that’s what we are doing. There are no sacred cows.” —Pangulong Marcos

Kung matatandaan, una nang ipinangako ni Pangulong Marcos na mananagot ang mga responsable o nasa likod ng paglabas ni Guo sa bansa. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us