Nanawagan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa lahat ng politiko na isantabi muna ang mga pagkakaiba, malaki man o maliit, upang sama-samang maisulong ang kapakanan ng mga Pilipino.
Sa alliance signing ceremony ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) at Nacionalista Party (NP) sa Taguig City, sa harap ng 2025 elections, sinabi ng Pangulo na ito ang panahon upang magkasundo at magtulungan ang lahat.
Aniya, kung uubusin kasi ng mga ito ang kanilang enerhiya at resources sa pagaaway -away, mauubusan sila ng panahon upang tutukan kung ano talaga ang pangangailagan ng mga Pilipino.
“If we are spending our time, our resources and our energy with opposing one another, for political means, then we have very little time, resources, and energy left for transforming our country into a better place, to transforming the lives of our people.” —Pangulong Marcos Jr.
Sabi ni Pangulong Marocs, ngayon mas dapat unahin ang interest ng taumbayan at ng Pilipinas.
“Mayroong malaki, mayroong maliit. Ngunit, ang pinakamahalaga ay magkasundo tayo kung ano man ang pinakamaganda para matulungan natin ang ating mga kababayan. Iyan ang ating gagawin at sabay-sabay nating gagawin. At inuuna natin lagi ang ating mga kababayan. Inuuna lagi natin ang Pilipinas.” —Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan