Siniguro ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pakikinabangan ng bawat Pilipino ang papalakas na ekonomiya ng Pilipinas.
Ang pagtiyak ay ginawa kasunod ng gumagandang economic performance ng bansa na pinatunayan ng grade “A” rating na iginawad ng Japan-based Rating and Investment Information, Inc.
Ayon sa Pangulo, ang nakuhang pinakamataas na rating ay hindi lamang nagpapakita ng mataas na kumpiyansa ng mga investors sa ekonomiya ng bansa.
Kasabay nito, dagdag ng Chief Executive ay ang pag-angat sa pamumuhay ng mga ordinaryong mga Pilipino.
Kaugnay nito’y binigyang diin ng Pangulo na ang latest upgrade na nakuha ng Pilipinas ay makapagpapabawas sa borrowing costs at makakagarantiya ng mas abot-kayang financing para sa pamahalaan, pagnenegosyo at saga ordinaryong konsumer.| ulat ni Alvin Baltazar