Umaasa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magiging matagumpay ang pakikipag-balikatan ng Pilipinas sa Emirates Nuclear Energy Corp. (ENEC), habang nagi-explore ang bansa ng mga posibleng gamit ng nuclear energy para sa power generation.
Sa courtesy call ni Mohamed Al Hammadi, Chairman at chief executive officer of ENEC, sa Malacañang ngayong araw (August 12), sinabi ng Pangulo na high priority para sa Pilipinas ang usaping ito.
“And this had become a very high priority topic. I hope we can find ways to help each other in this,” —Pangulong Marcos.
Kung matatandaan, nitong Hunyo, nagtungo si First Lady Liza Araneta – Marcos sa UAE, at una nang nakipag-pulong sa kumpaniya.
Nitong Mayo, ang mga kinatawan ng Board of Investments ay una na ring nakipagkita sa UAE power firm upang talakayin ang posibleng investment oppurtunity sa Pilipinas, lalo na iyong mayroong kinalaman sa clean energy.
“Thank you very much. I’m glad that we had this chance… for you to visit us. Because this is a subject that we have been talking about for a long time. And especially after the pandemic, I’m trying to figure out what are the needs of the government,” —Pangulong Marcos.| ulat ni Racquel Bayan