May 36 na trainees mula sa iba’t ibang local government unit (LGUs) ang dumalo sa limang araw na paralegal training ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Academy.
Ayon kay DSWD Undersecretary for Standards and Capacity Building Group (SCBG) Denise Florencesa, nilalayon ng pagsasanay na mapagbuti ang kaalaman at kahusayan sa court related cases.
Ang DSWD Academy ay kabilang sa mga priority program ng gobyerno na nagbibigay ng learning opportunities para sa pagpapabuti ng serbisyo ng social welfare and development (SWD), at maging para sa social protection (SP) programs and services ng ahensya.
Ayon DSWD, ang ika-limang paralegal training for social workers at development practitioners ay ginanap sa Cebu City. | ulat ni Rey Ferrer
Photo: DSWD