Paninindigan ng DILG vs. child abuse, sexual abuse, human trafficking, suportado ni QC Mayor Belmonte

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpahayag ng buong suporta si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa matibay na paninindigan ni Secretary Benhur Abalos laban sa child abuse, sexual abuse, at human trafficking.

Sa isang pahayag, sinabi ng alkalde na mahalagang maging mapagbantay sa mga nagsasamantala sa kahinaan at kahirapan ng ilan nating mga kababayan, lalo na ng mga kabataan at kababaihan.

Dapat rin aniyang matiyak na mapapanagot sa batas ang gumagawa ng ganitong krimen at mabigyan ng katarungan ang kanilang biktima.

Giit ni Mayor Joy, walang lugar sa lipunan at dapat silang mabulok sa kulungan ang mga abusado.

“Sa ngalan ng lahat ng QCitizens, kasama tayo sa kampanyang ito ni Secretary Abalos para sa mas ligtas at payapang lipunan para sa kasalukuyan at darating pang mga henerasyon,” ani Mayor Belmonte. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us