Iprinisinta ng Department of Finance (DOF) sa House Committee on Appropriations ang kanilang panukalang 2025 budget na nagkakahalaga ng P33.75 billion.
Ayon kay DOF OIC Undersecretary Niño Raymond Alvina mas mataas ito ng 20.8% kumpara sa kanilang budget sa 2024 General Appropriation Act.
Sinabi ni Alvina ang kanilang hiling na budget ay igugol sa digitalization para sa episyenteng tax administration and public service.
Ito ay nakafokus sa “highest standards” ng fiscal discipline upang maipagkaloob ang pag unlad ng ekonomiya sa mga Pilipino.
Ang digitalization investments ay pangungunahan ng Bureau of Internal Revenue (BIR), Bureau of Customs (BOC), at Insurance Commission (IC).
Layon nitong paghusayin ang maayos at malawak na pagbabayad ng buwis, i-streamline ang trade processes, at i-improve ang fiscal transparency sa bansa. | ulat ni Melany Reyes