Panukalang layong tulungan ang mga mag-aaral na hirap sa basic subjects, niratipikahan na ng Senado

Facebook
Twitter
LinkedIn

Niratipikahan na ng Senado ang Bicameral Conference Committee report ng Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program bill.

Ayon kay Senate Committee on Basic Education Chairperson Senador Sherwin Gatchalian, isusulong ng panukala ang pagkakaroon ng mga sistematikong tutorial sessions, pati na rin ng intervention plans, at learning resources para matugunan ang learning loss.

Ayon sa mambabatas, makatutulong ang panukalang batas upang tugunan ang krisis na kinakaharap ng bansa sa edukasyon, bagay na sinasalamin ng performance ng Pilipinas sa mga international large-scale assessment gaya sa 2022 Programe for International Student Assessment (PISA) kung saan mababa ang naging marka ng Pilipinas pagdating sa Reading, Mathematics, at Science.

Sasaklawin ng ARAL Program ang essential learning competencies sa reading at mathematics para sa Grade 1 hanggang Grade 10, at science para sa Grade 3 hanggang Grade 10.

Bibigyan ng prayoridad ng naturang programa ang reading at mathematics para hasain ang critical at analytical thinking skills ng mga bata.

Para naman sa mga mag-aaral sa Kindergarten, tututukan naman ang pagpapatatag sa literacy at numeracy competencies. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us