Sa botong 208 na pabor at walang pagtutol ay tuluyan nang inaprubahan ng Kamara ang House Bill 10722.
Ito ang panukala na maggagawad ng juridical personality at legal capacity sa Loss and Damage Fund (LDF) Board.
Isa ito sa mga lehislasyon na hiningi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kaniyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) sa Kongreso
Kasunod ito ng pagkakapili sa Pilipinas bilang host ng LDF maliban pa sa pagkakaroon ng pwesto dito. | ulat ni Kathleen Forbes