Inaprubahan ng House Committee on Trade and Industry ang panukalang Clark National Food Hub.
Ang House Bill 10678 o “An Act Establishing the Clark National Food Hub, Appropriating Funds Therefor and for other Purposes” ay alinsunod sa hangarin ng Philippine Development Plan para sa food security.
Sinabi ni Cagayan De Oro 2nd District Representative Rufus Rodriguez na isa sa authors ng batas, ang pagtatag ng national food hub sa Clark ay mahalaga upang lumiit ang supply chain mula sa mga producer to consumer.
Layon din nito aniya na magkaroon ng standard logistics upang matiyak ang episyenteng daloy ng produkto.
Sakaling maging tuluyang batas, aatasan ang Clark International Airport Corporation (CIAC) na pangasiwaan ang development ng itatayong 62 hectares national food hub.
Sinabi naman ni CIAC President and EO Arrey Perez, ang panukalang batas at magdadala ng malaking benepisyo sa sector ng Agrikultura. | ulat ni Melany Valdoz Reyes