Posibleng hindi sa China ang destinasyon ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo nang pumuslit sa bansa.
Ayon kay Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) Spokesperson Winston Casio, posibleng sa Golden Triangle na binubuo ng Cambodia, Laos, at Myanmar ang target puntahan ni Guo.
Sa mga nabanggit na lugar, mayroong “business interest” ang pamilya ni Guo kabilang na ang illegal gambling.
Aminado ang PAOCC na pahirapan ang paghuli kay Guo dahil wala pa itong kaso at warrant of arrest.
Naniniwala din ang PAOCC na si Guo ay nasa Indonesia pa hanggang ngayon.
Dahil dito, humiling na rin ang Pilipinas ng “Blue Notice” sa International Criminal Police Organization (INTERPOL) para sa lokasyon at aktibidad ni Guo. | ulat ni Rey Ferrer