Papel ng mga kabataan sa pagbabago ng bansa, kinilala ng Pasig LGU kasabay ng paglulunsad ng Junior City Officials Program

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinilala ng pamahalaang lungsod ng Pasig ang mahalagang papel ng mga kabataan para isulong ang pagbabago sa lipunan.

Ito ang binigyang-diin ni Pasig City Mayor Vico Sotto kaalinsabay ng paglulunsad ng Junior City Officials Program ngayong araw.

Dito, ilang kabataan ang mabibigyan ng pagkakataon na gampanan ang papel ng mga opisyal ng lungsod upang imulat ang kanilang kamalayan hinggil sa kahalagahan ng paglilingkod-bayan.

Naka-angkla ang nasabing programa sa umiiral na Republic Act 10742 o ang Sangguniang Kabataan (SK) Reform Act.

Dalawang araw tatagal ang pilot implementation ng nasabing programa para sa taong ito at plano itong palawigin sa mga susunod na taon. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us