Dalawang magkahiwalay na resolusyon ang inihain ni Kabataan Party-list Representative Raoul Manuel upang ipanawagan na maibalik ang tinapyas na pondo para sa State Universities and Colleges (SUCs) sa ilalim ng 2025 National Expenditure Program.
Sa 116 na SUCs, 28 ang may bawas sa kabuuang pondo.
May 23 din na may P516 billion na bawas sa operating budget habang mayroong 55 naman na may P25.6 billion na bawas sa capital outlay.
Maliban dito, inihain din ni Manuel kasama ang iba pang Makabayan solons ang House Resolution 1984.
Sa ilalim naman nito pinatataasan ang education budget sa 6% ng kabuuang GDP ng bansa na nakabatay sa UNESCO standard.
Sa paraan aniyang ito matutugunan na ang kakulangan sa classroom at teachers. | ulat ni Kathleen Forbes