Party-list solon, pinuri ang pagkakasagip ng sinasabing biktima ng human trafficking ng KOJC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinapurihan ngayon ni House Deputy Majority Leader at PBA Party-list Representative Margarita “Atty. Migs” Nograles ang Philippine National Police (PNP) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 11 sa mabilis na aksyon para mailigtas ang napaulat na dalawang indibidwal na biktima ng human trafficking sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC) compound.

Naganap ang rescue kasabay ng operasyon ng kapulisan sa KOJC compound para arestuhin si Pastor Apollo Quiboloy at mga kapwa akusado na nahaharap sa kasong child abuse at human trafficking.

“I applaud the PNP and DSWD for their decisive action in rescuing these young individuals from what appears to be a deeply troubling situation. The safety and well-being of our citizens, especially the most vulnerable, must always be a top priority,” sabi ni Nograles.

Kasabay nito, kinondena ng lady solon ang sino man na dumidipensa sa mga akusado.

Aniya, isang seryosong krimen ang human trafficking at paglabag sa karapatang pantao kaya’t sino mang sangkot dito ay dapat mapanagot.

“Human trafficking is not something to be dismissed or ignored. Allowing it to happen within one’s premises is serious, but being complicit in such heinous acts is an even graver offense. Pastor Quiboloy did not act alone—we must ask: Who are his accomplices? Those managing the property, those aware of its operations, and those who allowed such crimes against humanity to occur?” Aniya.

Maliban sa posibleng imbestigasyon ng Kamara, nanawagan si Nograles sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) sa pangunguna ng Department of Justice (DOJ) na palakasin ang pagkalap ng ebidensya para sa kaso.

Hinikayat din nito ang Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of the Interior and Local Government (DILG), na pairalin ang kanilang visitorial powers upang alamin kung may iba pang nilabag na batas at silipin kung may pagkukulang ang mga lokal na opisyal.

Maging ang Philippine Commission on Women at Philippine Center on Transnational Crime ay pinasasama niyang tumulong sa imbestigasyon. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us