Nagpaabot ng pagbati sina Kabayan Party-list Representative Ron Salo at OFW Party-list Representative Marissa Magsino sa paglusot ng kumpirmasyon ni Secretary Hans Leo Cacdac bilang kalihim ng Department of Migrant Workers (DMW) sa Commission on Appointments.
Ani Salo ‘well deserve’ ng kalihim ang pagkilalang ito dahil na rin sa kaniyang dedikasyon na isulong ang kapakanan at protektahan ang mga OFW.
“Having known Secretary Cacdac since my early days in the government, and having had the privilege of working closely with him during my tenure as chairperson of the House Committee on Overseas Workers Affairs, I can personally attest to his deep commitment and tireless advocacy for the rights of our OFWs. For many years now, he has been at the forefront of championing the cause of our migrant workers, ensuring that their rights and well-being are always protected,” ani Salo.
Tiwala naman si Salo na ngayong full-fledged secretary na ng DMW si Cacdac ay mas marami pa siyang magagawa para sa ating mga bagong bayani at tunay na maisasabuhay ng kagawaran ang pagiging “Tahanan ng OFWs.”
Sa panig naman ni Magsino, bilang Officer-in-Charge ng DMW, hindi lang ipinagpatuloy ni Cacdac ang legasiya ng namayapang Secretary Toots Ople bagkus pinalakas pa ang DMW sa mga ipinatupad niyang reporma.
Maliban sa malawak na karanasan sa Philippine labor migration nasa tamang lugar din aniya ang puso ng kalihim, at ito ay sa pagsisilbi para sa mga OFW.
“Secretary Cacdac knows the nuances of Philippine labor migration as he has served in the sector for decades; this wealth of knowledge is vital in leading DMW. But more than his proficiencies, we value Secretary Cacdac’s confirmation because he has his heart in the right place – to genuinely serve our OFWs, ang mga bida ng ating makabagong panahon,” sabi ni Magsino. | ulat ni Kathleen Jean Forbes