Umani ng samu’t saring pagkilala ang Pamahalaang Lungsod ng Pasay sa ginanap na 2024 Cities and Municipalities Competitivess Index.
Ayon sa Pasay LGU, kinilala ang kanilang lungsod bilang Top 3 sa Over-all Most Competitive Highly Urbanized Cities. Top 2 naman sa Most Competitive: Economic Dynamism Pillar. Top 2 din sa Most Competitive: Infrastructure Pillar.
Top 3 din ang Pasay sa Most Competitive: Government Efficiency Pillar, habang Top 3 din sa Most Competitive: Innovation Pillar, at Top 4 Most Competitive: Resiliency Pillar.
Ang pagkilala ay mula sa Department of Trade and Industry (DTI) batay sa Five Pillars: Economic Dynamism, Government Efficiency, Infrastracture, Resiliency at Innovation.
Ayon sa LGU, ang nasabing mga katangian ang nakikita sa Tapat at Higit pa sa Sapat na Paglilingkod ng Pasay para sa bawat Pamilyang Pasayeño. | ulat ni Lorenz Tanjoco