Pinarangalan ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig ng Department of Health (DOH) bilang “Kampeon ng Kalusugan” para sa kanilang best practice na “Pasig Health Aides as Bakuna Champions.”
Ang pagkilala ay iginawad sa kauna-unahang Health Promotion Summit for Barangay Health Workers na ginanap sa Clark, Pampanga.
Ang award na ito ay pagkilala dedikasyon ng Pasig City Health Department sa pagsasanay sa mga Pasig Health Aide upang maging mga Bakuna Champion sa mga komunidad.
Naging mabisa ang kanilang risk communication lectures sa mga barangay, lalo na noong panahon ng pagtaas ng kaso ng Pertussis.
Ang Health Promotion Summit ay dinaluhan ng mahigit 100 Barangay Health Workers mula sa iba’t ibang rehiyon sa Luzon.
Layon ng summit na bigyang-pugay ang mahalagang papel ng mga BHWs sa pagsusulong ng Universal Health Care sa pamamagitan ng health promotion.| ulat ni Diane Lear