Pasok sa lahat ng antas sa Malabon City, suspendido ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dahil sa walang patid na pag-ulan, sinuspinde na ng pamahalaang lungsod ng Malabon ang pasok sa lahat ng antas ng mga pampubliko at pribadong paaralan sa lungsod.

Sa abiso ng LGU, inirekomenda ng Malabon Disaster Risk Reduction and Management Office ang suspensyon ng klase dahil sa nararanasan nang pagbaha sa ilang pangunahing lansangan sa lungsod.

Maaari namang magsagawa ng online o modular na klase ang mga apektadong paaralan ngayong Martes.

Kaugnay nito, hindi na passable sa light vehicles ngayon ang bahagi ng F. Sevilla sa harap ng palengke dahil sa mataas na baha.

Baha na rin sa ilang kalsada sa lungsod kabilang ang mga sumusunod:

•Silverswan Brgy. Panghulo – 2-3 inches

•Naval Womens club Brgy.Hulong Duhat – 3-4 inches

•Basillio Womens Club – 2-3 inches

•C.Arellano Aglipay – 2-3 inches

•C.Arellano Brgy.Ibaba – 7-8 inches

•C.Arellano Brgy.San Agustin – 6-7 inches

•Sacritia cor. C.Arellano Brgy.San Agustin – 8-9 inches

•Gen.Luna . Sacritia Brgy.San Agustin – 8-9 inches

•Rizal.Ave front St. James – 8-9 inches

•F.Sevilla Exit, Brgy.San Agustin – 8-9 inches

•F.Sevilla cor. Estrella, Brgy.San Agustin – 5-6 inches

•Gov. Pascual Ma.Clara – 5-6 inches

•P. Aquino Sanciangco, Brgy.Tonsuya – 3-4 inches

•Rodriguez M.H Delpilar – 5-6 inches

•M.Sioson, Dampalit – 6-7 inches

•Santulan Bayan Tatawid – 2-3 inches

•Sitio6, Brgy. Catmon – 2-3 inches

| ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us