Passport nina Alice Guo at mga kapatid nito, nai-report na sa Interpol

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ibinahagi ni Senate Committee on Women Chairperson Senator Risa Hontiveros na nai-report na ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Philippine Center for Transnational Crime Interpol ang mga passport ng magkakapatid na sina Alice, Shiela, Wesley at Seimen Guo maging ang kay Cassandra Guo.

Hinihintay na lang ang magiging aksyon ng Interpol kaugnay nito pero kabilang aniya sa mga posibleng hakbang ng Interpol ay ang paglalabas ng red o blue notice para matunton at mahuli na sina Guo.

Isinama na rin ng DFA Office of Consular Affairs (OCA) sa passport watchlist database sina Guo at ang pamilya nito, para hindi na sila mabigyan ng panibagong passport.

Maliban dito, una na ring sumulat ang DFA sa Bureau of Immigration at National Bureau of Investigation (NBI) noong Hunyo at Hulyo, para mapagtibay ang maling pagdedeklara ni Alice Guo ng kanyang identity at citizenship sa kanyang passport.

Ikinatuwa rin ni Hontiveros ang naging pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na papanagutin ang mga tumulong na mapalabas ng Pilipinas si Alice Guo. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us