Itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr si DTI Undersecretary Ma. Cristina Aldeguer-Roque bilang Acting Secretary ng Trade and Industry Department.
Kasunod ito ng ginawang pagbibitiw kamakalawa ng dating Kalihim ng DTI na si Alfredo Pascual.
Si Undersecretary Roque ay sinasabing may ginampanang malaking papel sa pangunguna sa MSME Development Group sa DTI, nagpatupad ng mga programa at inisyatibong nakapokus sa micro, small, and medium enterprises.
Ito rin ang namahala sa operasyon ng Small Business Corporation at ng Cooperative Development Authority.
Kaugnay nitoy binigyang diin ni Pangulong Marcos ang kahalagahan ng Department of Trade and Industry at indibidwal na mamumuno Dito.
Importante aniya ang papel Ng Kagawaran sa pagpapalakas ng ekonomiya ng Bansa at ang dedikasyon gayundin ang karanasang mamuno ni Roque sa sektor Ng MSME ay matibay ng rason para italaga ito sa DTI at pansamantalang pamunuan ang ahensiya. | ulat ni Alvin Baltazar