๐๐ฒ๐ฎ๐ฑ๐ ๐๐ถ๐น๐น ๐ฟ๐ผ๐น๐น.
Ito ang tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasunod ng pagkakapuslit palabas ng bansa ni dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na kahapon ay kinumpirma naman ng Office of the Executive Secretary.
Ayon sa Pangulo, ang pag-alis ni Alice Guo ay nagpapakita lamang ng katiwaliang nagpapahina sa sistema ng hustisya sa bansa at nagpapababa ng tiwala ng publiko.
Pagtiyak ng Pangulo, ilalantad ng pamahalaan ang mga nasa likod ng pagtakas ni Guo na ayon sa Chief Executive ay nagtaksil sa tiwala ng bayan at tumulong sa kanyang pagtakas.
Isang full-scale investigation ngayon ang ikinakasa na at kasabay nito’y siniguro din ng Pangulo na masususpinde at papananagutin ang mga may kinalaman sa pangyayari.
Walang puwang sabi ng Presidente ang sinoman na ang inuuna ay pansariling interes kaysa sa paglilingkod sa sambayanang Pilipino nang may dangal, integridad, at katarungan. | ulat ni Alvin Baltazar