Nilahukan ng halos 100 personnel mula sa iba’t ibang unit ng Philippine Coast Guard (PCG) sa pangunguna ng Coast Guard Civil Relations Service ang isang bloodletting activity para sa nangangailangan ng blood donation kabilang na ang mga pasyenteng biktima ng leptospirosis dahil sa bahang dulot ng nagdaang Bagyong #CarinaPH.
Isinagawa ang nasabing bloodletting activity National Kidney Transplant Institute (NKTI) noong August 1, 2024, na layong suportahan ang NKTI sa pagtugon sa kagyat na pangangailangan para sa suplay ng dugo na mahalaga para sa mga pasyenteng sumasailalim sa mga operasyon at gamutan.
Ipinakita ng pakikilahok ng mga personnel ng Coast Guard ang kanilang dedikasyon hindi lamang sa pagbabantay sa mga karagatan ng bansa kundi pati na rin sa pagtulong na makapaglitas ng buhay sa kalupaan.
Bahagi rin ang nasabing blood donation drive, ayon sa PCG, ng kanilang patuloy na pagsisikap na makilahok sa mga aktibidad panlipunan na papakinabangan ng komunidad at susuporta sa mga pambansang inisyatiba sa pangkalusugan.| ulat ni EJ Lazaro