Aabot sa 490 food packs ang tinanggap ng Philippine Coast Guard (PCG) mula sa Tanging Yaman Foundation para sa pagsuporta sa mga apektadong mangingisda ng oil spill sa Limay, Bataan at Tanza, Cavite.
Ang nasabing donasyon na mula sa foundation ay bilang pagtugon upang mag-alok ng agarang tulong at suporta sa mga pinakatinamaan ng kalamidad.
Nakatuon ang relief effort sa paghahatid ng mahahalagang pagkain sa mga apektadong komunidad na layong maipaabot ang agarang pangangailangan ng mga ito habang sila ay nagsisimulang mag-recover.
Ayon sa PCG, ang naganap na oil spill ay lubhang nakagambala sa buhay at kabuhayan ng mga lokal na mangingisda na nakikibaka ngayon sa iba’t ibang hamon. | ulat ni EJ Lazaro