Pormal nang sinampahan ng kaso ni Philippine Charity Sweepstake Office General Manager Mel Robles ang vlogger na si Claire Contreras na mas kilala bilang si Maharlika.
Kasong defamation o paninirang-puri at invasion of privacy ang isinampa ni Robles kay Maharlika sa Central District Court sa California.
Sa pulong balitaan, sinabi ni Robles na nagpasya silang mag-asawa na magsampa ng kaso para ipagtanggol ang kanilang karangalan, pangalan, reputasyon at dignidad ng kanilang pamilya.
Nais din niyang matigil na ang patuloy na panggigipit at paninira sa kanila ni Maharlika sa pamamagitan ng kanyang online vlog.
Tinawag ni Robles si Maharlika na “Queen of Fake News” na gumagamit ng social media.
Inakusahan din ito sa walang batayan na pagpuna sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at iba pang opisyal ng gobyerno. | ulat ni Rey Ferrer