Pedophiles naharang ng BI sa iba’t ibang paliparan sa bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi na pinaporma pa ng Bureau of Immigration (BI) ang tatlong Amerikanong pedophiles at convicted sa kanilang bansa ng sex crimes.

Ayon kay, Immigration Commissioner Norman Tansingco, ang dalawa ay naharang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) habang ang isa ay sa airport sa Mactan, Cebu.

Paliwanag ni Tansingco, off limits sa Pilipinas ang mga kahalintulad na mga sex offender.

Outright exclusion ang kaparusahan para sa mga convicted sex offender na magtatangkang pumasok sa Pilipinas base na rin sa Philippine Immigration Act, dahil ang mga ito ay convicted sa mga krimeng kinasasangkutan ng moral turpitude.

Kinilala ang mga pedophiles na sina James Nicholas Ibach, 36, convicted noong 2019 dahil sa possession at control ng obscene photographs na nagpapakita ng isang menor de edad na nakikipagtalik.

Isa ring pedophile ang 78-year-old passenger na si Eusebio Garcia Gallegos na convicted noong 2003 dahil sa mga indecent act sa isang bata.

At ang pang huli ay si Clifton Lee Vaughan, 59, na na convicted noong 1983 dahil sa sexual abuse 10-year-old girl.

Dahil dito ay blacklisted na ang tatlo, at hindi na makakapasok pa ng bansa. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us