Bilang pag-talima sa panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magkaroon ng local production ng mga gamot sa bansa, mapababa ang presyo nito at mabigyan ng access sa mga ito ang publiko, ay nakipagtulungan ang Philippine Economic Zone Authority sa Food and Drug Administration.
Sa pamamagitan ng isangMemorandum of Agreement ay mabibigyan ng green lanes ang mga PEZA accredited busineses sa lahat ng FDA related process.
Ito ang inaasahang magbubukas ng pinto sa bansa para masimulan ang lokal na produksyon ng gamot at mga medical devices.
Inaasahang magbebenipisyo ang mga pharma enterpprise sa isang mas maayos na regulatory environment katulong ang PEZA at ang kilalang sistema nito na one stop shop. | ulat ni Lorenz Tanjoco