Maglalabas ng sariling “reality show” ang Philippine Army na pinamagatang “Life in the OCS” simula sa Setyembre 1.
Ang lingguhang teleserye na produced ng Army Personnel Management Center ay magtatampok sa buhay ng pitong officer candidate sa loob ng Philippine Army Officer Candidate School (OCS).
Dito’y matutunghayan ang karanasan ng future leaders ng Philippine Army habang sumasailalim sa academic at military training sa Camp O’ Donnell, Capas, Tarlac, at kung paano nila maalpasan ang mga hamon upang maging bihasang opisyal ng Hukbong Katihan.
Ang official trailer at mga ilalabas na episode ng palabas ay maaaring mapanood sa ‘Join the Army’ at Philippine Army Facebook page at You Tube Channel. | ulat ni Leo Sarne