Philippine Coast Guard, inamin na walang pondo para sa pagtugon sa insidente ng oil spill

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aminado ang Philippine Coast Guard (PCG) na wala silang pondo sa ilalim ng 2025 National Expenditure Program na nakalaan para sa pagtugon sa oil spill.

Sa pagtalakay ng Kamara sa panukalang P180.8 billion na pondo ng Department of Transportation (DOTr) sa susunod na taon kung saan napapaloob ang PCG, nausisa ni Gabriela Party-list Rep. Arlene Brosas kung mayroon bang pondo ang ahensya para tugunan kung sakaling magkaroon muli ng oil spill.

Kasunod ito ng tatlong magkakahiwalay na insidente ng oil spill dahil sa mga sumadsad na barko na MT Teranova, MV Mirola 1 at MT Jason Bradley.

Ayon kay PCG Commandant Ronnie Gavan, sa ngayon ang ginagamit nilang pondo para tugunan ang insidente ng oil spil ay mula sa oil pollution management fund.

Gayunman, kung mapagbigyan aniya sila na magkaroon ng dedicated na pondo para sa oil spill response ay malaking tulong ito.

Tiniyak naman ni Gavan, na sa kabila ng tatlong oil spill incidence ay hindi ito maituturing na catastrophic dahil sa mabilis namang nakaresponde ang PCG. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us