Bunsod ng patuloy na giyera at walang kasiguraduhang sitwasyon sa Lebanon, naglabas ng abiso ang Philippine Embassy sa Lebanon ng mga requirement para sa mga Pilipino na mabibigyan ng tulong.
Ayon sa Embahada ng Pilipinas sa Lebanon ang mga makakatanggap ng welfare assistance ay ang mga nakatira sa Lebanon.
Dapat din ay may valid Philippine passport na kinakailangan na scanned/photographed at mai-upload sa google form na matatagpuan sa Facebook account ng embahada.
Kailangan din kumpletuhin ang sagot sa mga katanungan sa nasabing google form.
Paalala pa ng embahada na kailangan pareho ang impormasyon sa passport at sa google form na pupunan.
Maaari anilang mag-register sa nasabing form hanggang August 15.
Nakiusap din ang embahada na ipaalam sa kapwa Pinoy sa Lebanon ang naturang impormasyon.
Matatandaang patuloy ang nangyayaring sigalot sa Lebanon bunsod ng mga alitan ng mga bansa sa Middle East. | ulat ni Lorenz Tanjoco
📷: Philippine Embassy in Lebanon