Pinawi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang pangamba ng publiko na magkaroon ng tsunami pagkatapos ng lindol kaninang umaga sa Lingig, Surigao Del Sur.
Sa inilabas na tsunami alert ng PHIVOLCS, walang banta ng tsunami na tatama sa lugar na apektado ng lindol na may lakas na magnitude 6.5.
Alas-6:23 ng umaga nang mangyari ang lindol sa karagatan na may layong 67 kilometro ng hilagang silangan ng Lingig.
May lalim na 10 kilometro ang pinagmulan nito at tectonic ang dahilan.
Naramdaman ang intensity 5 sa Hinatuan, Surigao del Sur.
Bandang alas-6:45 ng umaga ng yanigin din ng magnitude 5 ang Baganga sa Davao Oriental. | ulat ni Rey Ferrer