Hindi tutularan ng Pilipinas ang China sa ginagawa nitong pag-angkin sa West Philippine Sea.
Ito ang binigyang-diin ni Defense Secretary Gilbert Teodoro sa pagharap sa Budget Briefing sa Kamara.
Ayon sa kalihim, pinapatatag lang ng Pilipinas ang isang credible deterrent posture sa naturang karagatan at walang balak na palawakin ang hurisdiksyon gaya ng nine-dash line ng China.
“Sa atin po, tinatatag lang po natin ang credible deterrent posture natin. We have no intention of claiming our own nine-dash line in the South China Sea. Far from it,” ani Teodoro.
Aniya, tanging pinoprotektahan ng bansa ang ating 200 nautical mile exclusive economic zone para lamang sa kapakinabangan ng mga Pilipino.
“What we want is our 200 nautical mile exclusive economic zone (EEZ) and other areas where we have jurisdiction to be for exclusively for the benefit of our citizens the way we want to do it, the way the Congress wants to do it, without the pressure of China dictating or bear-hugging us to deal with them solely. That’s all we want,” giit ng kalihim.
Pinawi rin ng Defense chief ang pangamba ng ilang mambabatas na ang pakikipag-alyansa ng Pilipinas sa ibang bansa gaya ng Estados Unidos ay magkakaladkad lang sa Pilipinas sa giyera at gulo.
Sinabi niya, tanging ang China ang nanggigipit at nanggugulo sa kapayapaan sa West Philippine Sea.
“…We have to point out here that the aggressor here is only one actor. Eh kung gawin man natin o hindi ito, magtutuloy-tuloy sila kasi world domination under a new model of international governance ang gusto ng Tsina… They have illegally reclaimed areas, they are claiming areas that are well beyond their jurisdiction… We have to work with our allies and partners to address an evolving threat,” diin ng DND secretary. | ulat ni Kathleen Jean Forbes