Muling tinanggap ng Pilipinas ang nominasyon sa prestihiyosong 23rd Annual Wanderlast Reader Travel Awards 2024 ng Wanderlast na itinuturing na pinakamahabang tumatakbong travel magazine sa UK.
Sa nasabing travel awards, nominado ngayong taon ang Pilipinas sa Most Desirable Country (Rest of the World), habang ang Cebu ay nominado rin bilang Most Desirable Region, ang Palawan naman ay nasa ilalim ng Most Desirable Island na kapwa nasa Rest of the World category.
Bukod dito, nominado rin ang Pilipinas sa ilang subcategories, kabilang ang Adventure, Nature and Wildlife, Culture and Heritage, Gastronomy, at Sustainability.
Maaari namang ipakita ng mga Pilipino ang suporta sa bansa sa pamamagitan ng pagboto sa opisyal na link sa wanderlustmagazine.com o sa QR code na ibinahagi ng Department of Tourism (DOT) sa kanilang Facebook page. | ulat ni EJ Lazaro