Inaprubahan ng Monetary Board ang muling paglahok ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa Financial Transactions Plans (FTP) ng International Monetary Fund (IMF) para sa August 2024 hanggang Enero 2025.
Ibig sabihin lamang ito na napanatili ng bansa ang posisyon nito sa IMF na creditor ng bansa dahil sa mahusay na macroeconomics fundamentals, string external position para suportahan ang development goals.
Ang FTP ay isang currency exchange arrangement sa pagitan ng IMF at mga miyembrong bansa para mapadali ang lending operations nito.
Ang IMF ang siyang nagbabayad ng interes o remuneration sa mga kalahok sa FTP tulad ng Pilipinas.
Dahil sa membership ng bansa sa FTP, inilagay nito ang bansa sa paborableng posisyon upang manatili bilang isang fund financial partner kapalit ang pangako na mag-aambag sa pandaigdigang financial safety nets at suportahan ang paglutas ng mga posibleng krisis.| ulat n Melany V. Reyes