Itinuturing ng Department of Budget and Management na isang malaking tagumpay para sa Pilipinas ang pag-angat ng ekonomiya sa ikalawang kwarter ng taon.
Ayon kay Budget Sec. Amenah Pangandaman, maituturing na Gintong Medalya ang pagtaas ng GDP ng bansa.
Ibig sabihin nito, epektibo daw ang mga estratehiya na ginagawa ng gobyerno para bigyan ng mas magandang kinabukasan anv nakararami.
Ngayong nagsimula na daw ang budget deliberation, umaasa siya na makakapasa ito sa Kongreso dahil nakatuon ang mga gastusin sa mga programa na makakalikha ng dagdag oportunidad tulad ng trabaho, dagdag ayuda at mas maraming benepisyo.
Sabi pa ng Kalihim, ang paglago ng GDP sa 5.8% ay pasok din sa target ng private sectors na 6%. | ulat ni Michael Rogas