Patuloy na nangunguna ang Pilipinas sa ASEAN matapos makamit ng bansa ang 6.3% Gross Domestic Product (GDP) growth dahil sa pinalakas na construction and investment.
Ito ay bunsod ng Build Better More Program momentum at ang kumpiyansang ipinakikita ng mga investors.
Ayon kay Department of Finance (DOF) Secretary Ralph Recto, masaya sila sa back-to-back good news sa labor force survey at GDP growth.
Sinabi ng kalihim na ang natamong “impressive growth performance” ay bunsod ng paglakas ng infrastructure na siyang magdadala ng dekalidad na buhay sa mga Pilipino.
Magsisilbi aniya itong pamana ng administrasyong Marcos Jr. sa ilalim ng “Bagong Pilipinas.”
Sa inilabas na second quarter growth, naungusan ng Pilipinas ang Malaysia (5.8%), Indonesia (5.0%), at China (4.7%).
Ito ay magdadala sa year-to-date growth sa 6.0%, pasok sa pagtaya ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) na 6.0% to 7.0% growth for 2024. | ulat ni Melany Valdoz Reyes